| Statistics | We have 172 registered users The newest registered user is serena07
Our users have posted a total of 3571 messages in 152 subjects
| | Who is Online ? | In total there are 2 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 2 Guests None Most users ever online was 20 on Tue Sep 01, 2009 1:05 am | | | Whew!..Wat's wrOng wid R cOuntry?!.. | Mon Apr 14, 2008 3:27 pm by †ñRBa†ayJr | Haaaaayyy!!!...
Ang Buhay nga naman ngayon, pag-wala kang pera e talagang mamamatay ka!..
Lahat lahat na nagsitaasan!..Ni ultimong bigas e kumokompetensya na rin sa pagtaas ng presyo ng gasolina!..Kung dati e mabibili mo ito sa mababang halaga, ngayon e mapapakibit-balikat ka na lang!..My mga alternative na pamalit sa bigas pero ewan ko kung kakayanin natin..Imaginin mo partner, saan ko isasabaw ang napakasarap na sabaw ng nilagang karne kung wala kanin?!..sa kamote?..o sa patatas kaya?..ang sagwa' naman cguro nun' pagsinabaw natin sa cassava di bah?!..paano natin maeenjoy ang masarap na kaldereta, dinuguan, gourmet at kung anu-ano pa kung walang kanin?!..Oo nga't apektado tayo sa pandaigdigang merkado ngunit kung naging maagap lamang ang gobyerno na pangalagaan ang sektor ng agrikultura mula sa simula, sana ay may sapat tayong supply ng bigas at hindi na tayo nag-iimport pah!..
Ultimo ang tinapay na pangmeryenda natin?!..abah partner, hindi malayong maging pangdisplay na lang ang mga ito sa estante ng mga bakery dahil sa mahal ng 'arina ngayon!..Paggising mo sa umaga, ang sarap sanang magkape lalo na't pagmay pandesal na kasama. Dati eh busog ka na sa limang pisong pandesal. Ngunit nayon, aba e mabibitin ka dahil tatlum piso na ang isa nito at puro pampaalsa pa. Ang masakit pa, nakukontento na lang tayo sa tutong sa umaga!..
Ayaw ko mang isipin to partner, pero hindi rin malayong mangyari na sa huli, tanging ang mga mayayaman lamang ang makakatikim ng kanin. Samantalang ang mga middle class ang magtitipid na, cguro iisipin nila, ngayon kamote muna at bukas kanin naman, yun ang gagawin nila..Habang ang mga mahihirap, nandun na lang nakatirik ang mga mata sa gutom. Maghihintay kung saan at kung kelan ang rasyon!..
At krimen ang kaakibat nito partner alam mo ba?..maglilipana na ang mga holdaper, snatcher, carnapper, mga manloloko at kung anu-ano pang mga hindi kanais-nais na elemento..at ang kidnap for ransom papatok na naman!..
At eto pa partner, nagbabadya na namang tumaas ang pasahe dahil sa pagtaas ng gasolina. Ang di mo alam, bukas, makalawa ubos na pala ang sahod natin sa pamasahe pa lang!..Palagi namang nangyayari eto e, kaya umakyat man ang pasahe o hindi, wala naman tayong choice kundi sumakay kesa naman maglakad tayo ng kilo-kilometro papuntang trabaho!..
Pero may good news naman partner, dahil may proposal ang gobyerno na taasan daw ang umento sa sahod. Ngunit kelan pa yun partner?..Palagi na lang ba tayong aasa sa mga pangakong palagi namang napapako?..
Kaya ang mabuting gawin, bawat isa sa atin sana matutong magtipid. Magsikap para makaahon sa hirap. Kasi may mga taong malalakas ang katawan ngunit ayaw magbanat ng buto, ayaw gumawa ng mahirap na bagay kapalit ng pagkain sa hapag kainan. Mga taong TAMAD ‘ika nga’!..Dahil hindi lahat pwede nating iasa sa gobyerno dahil kung ganito na lang tayo walang mangyayari sa atin. 'Lam mo?!..lahat ng sisi pwede mong ibunton sa gobyerno partner, pero hanggang kelan mo gagawin ito?..Abah, kung ikaw at ang asawa mo eh wala ng ginawa kundi paglarauan ang mga pagkatao nyo at anak kayo ng anak eh, aasa ba kayo na pakakainin kayo ng gobyerno at umasa na lamang sa feeding program?!..Sana gumawa ka ng paraan para umangat ang buhay mo at maging responsible at produktibong mamamayan. Para sa ngayon, sa kinabukasan at sa magiging kinabukasan ng mga anak at apo mo.
Minsan partner, naitatanong ko sa sarili ko, “Ano ba talaga ang problema ng bansang ito?..Ang gobyerno bang nagpapatakbo nito?..o dahil na rin sa ugali nating mga Pilipino?”..
Whew!..
So Help Us God!..
| | Comments: 5 |
| | Poll | | | Collecting Membership fee is okay with you? | | - yes | | 81% | [ 13 ] | | - no | | 18% | [ 3 ] |
| | Total Votes : 16 |
| | November 2009 | | Sun | Mon | Tue | Wed | Thu | Fri | Sat |
|---|
| 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | | 29 | 30 | | | | | | Calendar |
| |