HomePortalCalendarGalleryFAQSearchRegisterLog in

Share | 
 

 Middle-Class ... Outrage!!!..

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
ć˝RBaćayJr
Forum Moderator
Forum Moderator
avatar

Male
Number of posts : 330
Age : 34
Location : Where all of the people come and go!..
Humor : Sense of ...
Job/hobbies : Jobless @ this very moment of Existence!
Registration date : 2007-09-02

PostSubject: Middle-Class ... Outrage!!!..   Fri Mar 21, 2008 11:37 am

OUTRAGE!!!..Wachu Feel ?!?..
This Article was grabbed from one of my friend's messages who has excellent mental capability..well i don't know where his hatred comes from but i guess he has a pOint!..a Real B!g Point!..

Outrage!!!

"Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawatisa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong
resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, SILANG patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi.

SINONG "SILA"? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS,
MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN
NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARTISTANG TAX
EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI
NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!!

Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang masa! Mahalin ang masa!

MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?

SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA BANSANG TO?

SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING ANG
PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NILA?

KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO BAWAS
NA - KAMI ANG BUMUBUHAY SA BANSA NA 'TO!!!!!!!!!

BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG MGA
PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX cla???!!!!

KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO HINDI
NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!

PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?

LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INI-INTINDI NG GOBYERNO.

KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.

KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC CONTRIBUTION,
SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.

SILA LAGI ANG BIDA.

KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW'S, LABORERS AT IBA PANG
NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX - KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA BUHAYIN
ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!

Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit lang
sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.

Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya ko
at ang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti meal sa
Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle na tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa Mini-Stop sa halangang P20.

Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta, eh di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan.
Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng sarili kong bahay.

Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt na
mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget
ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV's at luxury cars
pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay!

PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!

Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba galing
ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga
manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap, kung umasta
kala mo inaapi sila ng sobra.

SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA TAMAD!

Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan.
Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.

TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!

LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!

Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na
nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pinas.
Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao,
pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.

YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP

--------

Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo lang,
nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar - SOLVE!

Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain.

EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO!

MGA HIPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!

WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHO TALAGA KAYO, HINDI KAYO
MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!

PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA KAYONG
GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!

ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN NA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD NG
BUWIS. ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA PA
KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN NYO.
MASUSUNOG LANG DUN YAN.

KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA NEGOSYANTE
MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN. MGA BALASUBAS KASI.

Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.

Alisin ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin ang
lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o kaya
i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay ang
mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral sila
at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng bagong lider
na walang political ties at utang na loob sa kahit sino.

At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!

Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang.
Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan, pero
hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya. Meron
daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para dito.

Hangga't hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang
Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino.

Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi silang na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.

Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na magkaron ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung dito sya mabubuhay.

Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang bansa, pero pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako sa bansang to. Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng tahimik at maayos. Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh. Doomed to be jologs ang bansang to.

Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and God Bless! Sana tama kayo at mali ako!!!.."

--Eto ay sa opinyon lang nya

_________________
Back to top Go down
View user profile
joyce
Registered User
Registered User
avatar

Female
Number of posts : 112
Age : 32
Location : 2buran
Humor : ahahaha!
Job/hobbies : tigasin/reading, txting n surfing internet
Registration date : 2007-10-19

PostSubject: Re: Middle-Class ... Outrage!!!..   Sat Mar 22, 2008 3:11 pm

TAMA yan Lahat!! kami nga na katulong lng nag babayad ng TAX na yan.. D pwedeng lumabas ng airport kng ala kng 200+ pesos!!Gawin nlng sanang comunista bansa ntin! kayod kalabaw kming mga OFW's pero pagdating sa pinas ala.... ala kng mahita! mga pesteng pulitiko na yan, nagpapakita lng d2 kng may kailangan.. kami pa hininngan na mga katulong lng!! pagbakasyon punta nila d2 ni hindi manlng ngpapasilip..nag eenjoy sila sa mga bigating hotels..malamang d nman nila pera ginagasta nila.. sbi nila billion ang remitances eh bkit d manlang umangat khit 1 inch ang economiya?! Ung sabing umaangat, bkit d nmin nki2ta?
Back to top Go down
View user profile
 
Middle-Class ... Outrage!!!..
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Maddie Movie Outrage. !
» 9 year old is executed: Where's the outrage?
» Maddie Coffin Outrage - Mirror
» Fake news...outrage...debate....

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: Jamindanganon goes interactive :: General Discussion-
Jump to: